^

Probinsiya

Adik na anak ipinakulong ng ina

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Winakasan ng 75-anyos na ina ang kalbaryo sa kamay ng adik na anak nang ito ay kanyang ipakulong dahil sa pa­nununog ng kanilang bahay sa Purok Santol, Barangay 2 sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng madaling araw.

Nakapiit ngayon at nahaharap sa kasong arson ang 33-anyos na suspek na si Erwin Erazo, jobless at nakatira sa  nasabing barangay.

Sa salaysay sa himpilan ng pulisya ni Estelita Erazo, matagal na umano niyang pinagtitiisan ang pagiging adik ng kanyang anak at naipasok na umano niya ito sa rehab sa pag-asang magbabagong buhay na.

Gayon pa man, nagpatuloy pa rin ito sa bisyo at kamakalawa ng mada­ling araw ay sinira nito ang mga kagamitan sa loob ng kanilang bahay hanggang sa sunugin ang buong kabahayan. Hindi na ku­malat sa mga kalapit-bahay ang sunog kaya napilitan ang ina na tuluyang ipakulong ang pasaway na anak.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

ERWIN ERAZO

ESTELITA ERAZO

GAYON

LUCENA CITY

MIMAROPA

NAKAPIIT

PUROK SANTOL

QUEZON

WINAKASAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with