^

Probinsiya

Mag-ina kinatay ng senglot

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Magkasunod na napatay ang mag-ina habang sugatan naman ang tatlong iba pa makaraang mag-amok ang 24-anyos na senglot sa Barangay San Bartolome, bayan ng Sto. Tomas noong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mag-ina na sina Mary Rose Señeres, 28; at Din-din Señeres, 7, mga nakatira sa Kalye Eres sa nasabing barangay.

Sugatan naman ang ka-live-in ni Mary Rose na si Narciso Evangelista at mag-utol na Ryan at Randy Evardone  na mga nakatira rin sa nabanggit na barangay.

Kalaboso naman ang suspek na si Eric Evangelista na nakababatang kapatid ni Narciso.

Sa police report na nakarating kay Batangas PNP Director P/Senior Supt. Omega Jireh Fidel, nagtungo ang mag-inang Señeres sa bahay ng suspek para sana makiligo bandang alas-7:30 ng umaga.

Pero sa di-maipaliwanag na dahilan, biglang nag-amok ang suspek gamit ang  matalim na jungle bolo kung saan walang humpay na pinagtataga ang mag-ina hanggang sa mapatay.

Tinangka namang awatin ni Narciso ang kanyang kapatid subalit maging siya ay tinaga sa likuran.

Kahit sugatan ay nakatakbo si Narciso papalayo subalit nasalubong naman ng suspek ang magkapatid na Evardone at pinagtataga rin ang mga ito.

Bagama’t sugatan, nagawang disarmahan ng magkapatid ang suspek hanggang sa makahingi sila ng tulong sa pulisya.

Nahaharap sa kasong double murder at frustrated murder ang suspek na kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BARANGAY SAN BARTOLOME

DIRECTOR P

ERIC EVANGELISTA

KALYE ERES

MARY ROSE

MARY ROSE SE

MIMAROPA

NARCISO

NARCISO EVANGELISTA

OMEGA JIREH FIDEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with