^

Probinsiya

CAFGU nag-amok: 2 todas, 1 sugatan

Rhoderick Beñez, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

North Cotabato, Philippines - Patay ang dalawang Cafgu habang sugatan naman ang isa nang pagbabarilin ng kanilang kasamahan sa kanilang detachment sa Palo 19 Patrol Base sa Tampakan, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na sina Mark Anthony Macul, residente ng Barangay San Isidro at Frankly Villoria, residente ng Palo 19, Tampakan habang ginagamot sa ospital ang sugatang si Camelo Declaro.

Agad na tumakas bitbit ang M14 rifle ang suspek na si Anthony Aradaza, residente ng Palo 19 ng nabanggit na bayan.

Inihayag ni Lt. Colonel Ronald Jess Alcudia, commanding officer ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army na pasado alas-9 ng gabi habang masayang nanonood ng telebisyon ang apat nang bigla na lamang namaril ang suspek.

Matapos na mamaril, agad na tumakas ang suspek.

Inaalam pa ang motibo ng nangyaring krimen.

vuukle comment

ANG

ANTHONY ARADAZA

BARANGAY SAN ISIDRO

CAMELO DECLARO

COLONEL RONALD JESS ALCUDIA

COTABATO (NORTH)

FRANKLY VILLORIA

INFANTRY BATTALION

MARK ANTHONY MACUL

PALO

PATROL BASE

PHILIPPINE ARMY

SOCCSKSARGEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with