^

Probinsiya

Ama nagbasa ng Bible inutas ng anak

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Pinaniniwalaan ang pagbabasa ng Bibliya ng 61-anyos na ama kaya brutal na pinatay ng kanyang anak na lalaki matapos itong pikuhin sa ulo saka inilibing sa bakanteng lote na malapit sa kanilang bahay sa Purok 5, Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan, ayon sa ulat kahapon.

May limang araw nang nawawala ang magsasakang si Luna Echanez nang magtagpuang nakabaon sa mababaw na hukay sa likuran ng kanilang bahay.

Pinaghahanap naman ng mga operatiba ng pulisya ang pangunahing suspek na si Saudi Boy Echanez, 30, sinasabing lulong sa shabu.

Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na nagbabasa ng Bibliya sa kanilang bahay noong Sabado ng hapon kung saan pinagsabihan ng suspek na - ‘marunong ka palang magbasa niyan (Bibliya), kaya isasama na kita kay San Pedro.’

Subalit binalewala naman ng biktima ang tinuran ng suspek na sinasa­bing lango sa droga.

Ayon kina PO2 Ronald Rosario at PO3 Ardon Ahamad, makalipas ang ilang araw ay humingi ng tulong kay Barangay Chairman Celso “Jawo” Hernandez ang ilang kapitbahay na kaanak ng biktima kaugnay na  masangsang na amoy na nagmumula sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Kaagad naman inusisa ni Hernandez ang pinagmulan ng amoy kung saan bumulaga sa kanila ang bangkay ng biktima na nakadapa sa mababaw na hukay.

Isa rin ang isang ma­ngangahoy na lalaki ang nakakita sa suspek na may ibinabaong malaking bagay sa likuran ng bakanteng lote malapit sa bahay ng biktima pero nang tangkaing lapitan niya ay bigla itong nagtatakbo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARDON AHAMAD

AYON

BARANGAY CHAIRMAN CELSO

BARANGAY TIKAY

BIBLIYA

HERNANDEZ

LUNA ECHANEZ

MALOLOS CITY

RONALD ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with