^

Probinsiya

Misis ni-rape habang tulog ang mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinamantala ang mahimbing na tulog ng mister kaya nagawang halayin ang 19-anyos na misis na natulog ng hubo’t hubad ng isang di-kilalang lalaki na pumasok sa kanilang kubo sa bayan ng Pagbilao, Quezon noong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat ng Pagbilao PNP na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alauna y medya ng madaling araw sa loob ng kubo ng biktimang itinago sa pangalang Olive at mister nito.

Nabatid na nakatulog ng hubo’t hubad ang biktima katabi ang kanyang mister nang maalimpungatang na may pumasok sa kanilang kubo.

Nagulantang na lamang ang biktima nang tutukan siya ng patalim ng lalaki saka inilabas ng kubo. Binantaan ang biktima na papatayin kapag sumigaw kaya naisagawa ang maitim na balak sa damuhan sa kabila ng pagmamakaawa ng babae.

Hindi naman nagising ang mister ng biktima dahil sa mahimbing ang tulog nito nang pasukin sila sa kubo ng manyakis na lalaki.

Nakatakas naman ang rapist habang agad namang humingi ng tulong sa mga opisyal ng barangay ang biktima.

vuukle comment

ANG

BIKTIMA

BINANTAAN

CAMP CRAME

KUBO

NABATID

NAGULANTANG

NAKATAKAS

PAGBILAO

QUEZON

SINAMANTALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with