^

Probinsiya

61-anyos nagkagusto sa dyowa ng iba, kinatay sa selos!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 61-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng selosong mister sa tulong ng dalawang kasama kabilang ang babaeng nagugustuhan umano ng biktima, kamakalawa sa Brgy. Queensrow Central, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:30 ng hapon nang komprontahin ng suspek na si alyas “Kalbo”, ng Bagong Silang 3A, Queensrow East, Bacoor City, ang pinagseselosang ­senior na si alyas “Danilo”, residente rin sa nasabing lugar dahil umano sa babaeng si alyas “Josie” na karelasyon ng una. Kasama ng suspek ang nobya umanong si alyas Josie at isa pang lalaki na si alyas Richard, 38- anyos, nang dumating sa lugar.

Pinagbibintangan ng suspek ang biktima na may gusto siya kay Josie kaya nauwi ito sa mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng patalim ang suspek. Imbes namang umawat, tumulong pa umano sina Josie at Richard at hinawakan ang dalawang kamay ng biktima kaya hindi na nakalaban at pinagsasaksak na siya ng suspek.

Ayon sa anak ng biktima na nakasaksi sa pangyayari, aawat sana siya pero naging mabilis ang pangyayari. Duguang humandusay ang kanyang ama at mabilis na sumakay ng motorsiklo ang mister kasama sina Josie at Richard bitbit ang patalim na ginamit.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima sa ospital.

Sa hot pursuit operation ng mga operatiba ng Bacoor Police Station, agad naaresto si Richard habang tinutugis pa ang mismong sumaksak sa biktima na si alyas Kalbo at ang babaeng karelasyon nito.

BACOOR CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with