^

Probinsiya

2 lalaki arestado sa boga at droga sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 lalaki arestado sa boga at droga sa Quezon
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa bayan ng Macalelon, isang 58-anyos na lalaki na si alyas “Jude” ang naaresto ng mga tauhan ng Macalelon Police sa isinagawang search warrant operation sa Barangay San Nicolas.
STAR / File

LUCENA CITY, Philippines — Patuloy na pinaigting ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang kampanya laban sa pag-iingat at paggamit ng mga ilegal na baril matapos maaresto ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga bayan ng Macalelon at Candelaria, kamakalawa.

Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa bayan ng Macalelon, isang 58-anyos na lalaki na si alyas “Jude” ang naaresto ng mga tauhan ng Macalelon Police sa isinagawang search warrant operation sa Barangay San Nicolas.

Narekober mula sa pag-iingat ni Jude ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at tatlong bala nito.

Samantala, sa Purok 3, Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon, si alyas “June,” 56-anyos ay naaresto ng Candelaria Police sa buy-bust operation.

Bukod sa 1.10 gramo ng hinihinalang shabu, nakumpiska mula sa po­sesyon ng suspek ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at apat na bala.

Ang mga naarestong indibiduwal ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Ang mga nakumpiskang baril at bala ay isasailalim sa laboratory examination bilang bahagi ng imbestigasyon, habang inihahanda ang mga kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with