^

Probinsiya

Totoy pisak sa killer truck

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 8-anyos na totoy habang 16 naman ang nasugatan matapos salpukin ng isang truck ang bahay sa gilid ng bundok ng Sierra Madre sa Sitio Abbitil, Barangay Sta. Isabel sa bayan ng Jones, Isabela kamakalawa. ?

Sinabi ni P/Chief Insp. Benjamin Agcaoili, hepe ng Jones PNP, napisak ang biktimang si Randolph Inieva na napuruhan ng toneladang truck na minamaneho ni Augustus Regatis ng Barangay Dicamay sa nasabing bayan.

?Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng preno ang truck pagsapit sa pabulusok na bahagi ng logging road kaya sumalpok sa bahay ng biktima.

?Ayon kay Agcaoili, tinata­yang aabot sa 30-katao ang nakisakay sa truck ni Regatis para mamili sa bayan ng Jones.

Isinugod sa Prospero Bello Memorial Hospital at iba’t ibang pagamutan ang mga sugatan kung saan aabot sa 16 ang nasa mala­lang kalagayan.

Ang insidente ay nagpapatunay na mayroon pa ring operasyon ng pagtrotroso sa kabundukan ng Sierra Madre.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AUGUSTUS REGATIS

BARANGAY DICAMAY

BARANGAY STA

BENJAMIN AGCAOILI

CHIEF INSP

PROSPERO BELLO MEMORIAL HOSPITAL

RANDOLPH INIEVA

SIERRA MADRE

SITIO ABBITIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with