^

Probinsiya

Caretaker ng resort hulog sa pool, utas sa kuryente

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Nangisay hanggang na malagutan ng hininga ang 61-anyos na caretaker ng isang resort matapos makuryente sa isang lumang swimming pool na napuno ng tubig-ulan nang aksidenteng madulas at mahulog habang nanghuhuli ng isda sa nasabing pool sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Burol, Dasmariñas City kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Joseph Arguelles, hepe ng pulisya ang biktima na si  Jimmy Aquino, residente ng Vienna St ng nasabi ding lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Reynald Afable, dakong ala-1:00 ng hapon nang madiskubre ang lumulutang na katawan ng biktima ng kanyang anak sa nasabing swimming pool.

Bago ang insidente, pinagsinabihan pa umano ang biktima ng kanyang anak na huwag ng manghuli ng isda dahil nga sa may mga kuryenteng buhay sa nasabing pool. Ang pool ay matagal na umanong bakante at napuno lamang ng tubig dahil sa sunod-sunod na pag ulan at binahayan ng mga isdang tilapia na siyang tinangkang hulihin ng matandang biktima upang may maipang-ulam. Habang nanghuhuli, aksidenteng nadulas ang matanda at nahulog sa tubig hanggang sa makur­yente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

BUROL

DASMARI

HABANG

JIMMY AQUINO

JOSEPH ARGUELLES

REYNALD AFABLE

VIENNA ST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with