^

Probinsiya

Bus vs jeepney: 2 todas, 10 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Dalawa-katao ang namatay habang sampu naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos araruhin ng pampasaherong bus ang isang jeepney sa kahabaan ng highway sa Barangay Nazareno, bayan ng Agoo, La Union kamakalawa. ?

Kinilala ang mga namatay na pasahero ng jeepney na sina Virginia Garcia at Norayda Dulay kapwa mi­yembro ng United Church of Christ of the Philippines (UCCP).?

Samantala, naisugod naman sa La Union Medical Center sa bayan ng Agoo ang mga sugatan kung saan inilipat sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City ang siyam dahil sa maselang kalagayan.?

Sa police report na isinumite kay P/Supt. Erwin Dayag, hepe ng Agoo PNP, nag-swerve sa kaliwa ang jeepney na minamaneho ni Benjamin Dulay nang mabangga ito ng sumusunod na bus ni Fernando Habon.?

Ayon sa report, kinaladkad ng bus ang jeepney hanggang sumalpok ito sa waiting shed sa gilid ng highway.?

Nabatid na patungo sana ang mga biktima sa La Union Medical Center upang dalawin ang isang kaanak na naka-confine.?

Sumuko naman sa pulisya ang driver ng bus matapos ang insidente.

vuukle comment

AGOO

BARANGAY NAZARENO

BENJAMIN DULAY

ERWIN DAYAG

FERNANDO HABON

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

LA UNION

LA UNION MEDICAL CENTER

NORAYDA DULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with