^

Probinsiya

Dagdag-sahod ng SBMA employees, sinuportahan

Alex Galang - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines – Si­nuportahan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Olongapo City ang kahilingan ng mga kawani ng Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA) para sa dagdag suweldo na katapat sa itinatakda para sa mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL).

Sa resolusyong inaprobahan ng Konseho ng nasa­bing lungsod na binasa ni City Councilor Jong Cortez, nakasaad sa Resolution 13 Series of 2015 na ipinadala kay President Benigno S. Aquino III na aprubahan nito ang dagdag sahod ng mga SBMA employees.

Nagtipun-tipon ang mga kawani ng SBMA na nagsagawa ng candle light vigil noong Biyernes sa harap ng administration building ng nasabing ahensya.

Sa panig naman ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino, marapat lamang na ibigay ang hiling na dag­dag sahod dahil sa matagal nang nagdarahop ang mga manggagawang SBMA na karamihan ay residente rin sa nasabing lungsod.

Hiniling din ng alkalde na suportahan ng iba pang mga alkalde at konseho ng mga kalapit na munisipalidad sa Subic Bay Freeport na magpasa rin ng resolusyon bilang suporta sa mga kawani ng SBMA.

vuukle comment

AQUINO

BIYERNES

CITY COUNCILOR JONG CORTEZ

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR ROLEN PAULINO

PRESIDENT BENIGNO S

SALARY STANDARDIZATION LAW

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with