^

Probinsiya

NPA vs Army: 5 bulagta

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang apat na rebeldeng New People’s Army at isang sundalo sa naganap na madugong sagupaan sa liblib na bahagi ng Barangay Mabini sa bayan ng Basey, Samar kamakalawa ng gabi. Sa phone interview, sinabi ni Major Amado Gutierrez, spokesperson  ng Army’s 8th Infantry Division,  bandang alas-6 ng gabi nang makasagupa ng tropa ng Army’s 82nd Reconnaissance Company ang mga armadong rebelde. Si Pfc Ryan Adolfo na una nang napaulat na malubhang nasugatan ay namatay habang ginagamot sa ospital.

Base sa mga residenteng nakasaksi sa sagupaan, nalagasan ng apat ang mga rebelde kung saan binitbit ang bangkay at inilibing sa kagubatan.

Nabatid na nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng Army’s 801st Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Leoncio Cirunay Jr. nang makatanggap ng impormas­yon laban sa mga rebelde na nangingikil at nangha-harass ng mga residente.

Mabilis na rumesponde ang mga sundalo na nauwi sa limang minutong bakbakan.

Napilitan naman ang mga rebelde na magsiatras bitbit ang mga nalagas sa kabarong NPA patungo sa direksyon ng kagubatan.

 

vuukle comment

BARANGAY MABINI

INFANTRY BRIGADE

INFANTRY DIVISION

LEONCIO CIRUNAY JR.

MAJOR AMADO GUTIERREZ

NEW PEOPLE

RECONNAISSANCE COMPANY

SI PFC RYAN ADOLFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with