^

Probinsiya

Mister kinatay dahil sa saging

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil lamang sa buwig na saging ay napatay ang 39-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng may-ari ng ninanakaw nito sa bayan ng Las Nieves, Agusan del Norte kamakalawa. Animo’y kinarneng baboy ang katawan ng biktimang si Placido Sembrano ng Sitio Subait sa Brgy. Bonifacio. Arestado naman ang suspek na si Tirso Rapana, 35, kapitbahay ng biktima. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, nasa loob ng bahay ang suspek nang marinig nito ang sunud-sunod na kahol ng kanilang aso sa bakuran kung saan nakatanim ang mga puno ng saging at iba pang prutas. Inusisa naman ng suspek at naaktuhan ang biktima habang tinitibag ang  ninanakaw nitong buwig ng saging sa kaniyang bakuran. Gayon pa man, nagalit ang suspek at pinagtataga ang biktima.

vuukle comment

AGUSAN

ARESTADO

BONIFACIO

BRGY

CAMP CRAME

DAHIL

LAS NIEVES

PLACIDO SEMBRANO

SITIO SUBAIT

TIRSO RAPANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with