^

Probinsiya

Hapones nag-suicide sa palikuran

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 50-anyos na Hapones na sinasabing may matinding karamdaman matapos na magbigti sa inuupahang apartment sa Bahayang Pag-asa sa Barangay Maharlika sa Imus City, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-11 ng gabi nang matagpuang nakabitin si Shimoda Tetsuya ng #33 Osorio Street Phase 8 sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuang nakabigti ang biktima sa palikuran matapos buksan ng caretaker ang pintuan ng apartment ng biktima. Nabatid na maniningil sana ng renta ang caretaker sa biktima subalit walang nagbubukas kahit ilang ulit na kinatok ang pintuan. Napag-alaman nitong nagdaang araw nang nakausap ng caretaker ang biktima na may dinaramdam itong sakit na pinaniniwalaang isa sa motibo kaya nag-suicide ang Hapones.

vuukle comment

BAHAYANG PAG

BANDANG

BARANGAY MAHARLIKA

CAVITE

HAPONES

IMUS CITY

KUSANG

NABATID

OSORIO STREET PHASE

SHIMODA TETSUYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with