^

Probinsiya

Truck vs 2 SUV: 11 kritikal

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Umaabot sa 11-katao kabilang ang apat na menor-de-edad ang malubhang nasugatan makaraang salpukin ng 10-wheeler truck ang dalawang SUV sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Barangay Lias, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng umaga.

Kabilang sa mga malubhang nasugatan ay sina Noel Del Rosario Jr., 31; Mario Mercado, 51; Constantino Junfado, 69; Edlyn Amar, 24; Maria Cristina Mercado, 33; Juliet Catubay, 45; dalawang bata na mga nakatira sa New Zaniga, Mandaluyong City; Onofre Rocha Jr., 61; at dalawang apo na mga nakatira naman sa Barangay Osmeña sa Ilagan City, Isabela.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marcelo Galsim, sinalpok ng Isuzu 10-wheeler truck (RMZ-783) ni Romeo Santos ang likurang bahagi ng Hyundai Sta, Fe ((BEW 572) ni Roche Jr. kung saan nabangga naman ang Toyota Fortunner (YJ-8908) ni Del Rosario Jr.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sumirko ng ilang beses ang huling sasakyan saka lumipad at bumagsak sa kabilang kalsada na patungong norte kung saan nagdulot ng matin­ding trapiko.

Nasakote naman ng pulisya ang driver ng trak na si Santos, 60, ng Barangay Nuigan sa bayan ng Angat, Bulacan.

vuukle comment

BARANGAY LIAS

BARANGAY NUIGAN

BARANGAY OSME

BULACAN

CONSTANTINO JUNFADO

DEL ROSARIO JR.

EDLYN AMAR

HYUNDAI STA

ILAGAN CITY

JULIET CATUBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with