^

Probinsiya

Shootout: 2 kidnaper bulagta, 2 tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bulagta ang dalawang notoryus na kidnaper habang dalawa pa ang naaresto sa naganap na shootout laban sa mga ope­ratiba ng pulisya kamakalawa sa Barangay San Nicolas, bayan ng Concepcion, Tarlac kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alex Sintin, director ng Tarlac PNP ang mga napatay na sina Marcelo Garcia, 42; at Jet Rejano, 38, habang arestado naman sina Kagawad Edgardo Laxamana ng Brgy. Telablanca at Bartolome Puno, 59, ng Brgy. San Nicolas.

Sa pahayag naman ni P/Supt. Carlito Grijaldo, hepe ng Concepcion PNP, isinailalim sa pagbabantay ang nasabing lugar matapos ang bigong pagdukot sa anak ng negosyanteng Chinese na si Yan Xiao Qun noong Disyembre 1, 2014.

Base sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa labas ng Mega Yan Farm na pag-aari ni Yan Xian Qun kaya rumes­ponde ang mga operatiba ng pulisya.

Isang maroon na Mitsubishi Montero (PQW-573) ang nadatnan ng mga awtoridad na nakaparada sa nasabing lugar kaya si­nita subalit nangatwiran ang mga suspek na mamakyaw lamang sila ng pakwan.

Gayon pa man, napan­sin ng pulisya na may itinatago ang mga suspek na mga baril sa ibaba ng sa­­sakyan kaya sinita pero sa halip na magpaliwanag ay nagpaputok agad kaya sumiklab ang shootout sa pagitan ng magkabilang panig.

Nasamsam sa mga suspek ang isang cal. 357 Magnum, 6-basyo ng bala mula kay Puno habang isa namang cal. 45 pistol at magazine saka mga bala mula naman kay Laxamana.

vuukle comment

ALEX SINTIN

BARANGAY SAN NICOLAS

BARTOLOME PUNO

BRGY

CARLITO GRIJALDO

CONCEPCION

JET REJANO

KAGAWAD EDGARDO LAXAMANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with