^

Probinsiya

Car racer inutas sa auto shop

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 26-anyos na car racer matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa pag-aaring auto shop sa Bankers Village sa Antipolo City, Rizal noong Miyerkules ng tanghali.

Pitong bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Bong Hilario ng Antique Street, Phase 2 sa nabanggit na lungsod.

Si Hilario ay nag-champion sa 2013 Trans Sports Competition na itinuturing na Honda master at ang kanyang huling ginawa ay ang pangarerang 2004 Honda S2000 na isa sa pinakamahusay na sports roadsters sa buong mundo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Elvis Mariquina, nakikipagkuwentuhan ang biktima sa kanyang customer sa H3 Auto­works na nasa bakuran ng kanyang bahay nang lapitan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na lulan ng motorsiklo.

Nagkuwaring magpapagawa ng motor ang lalaki saka pinutukan ng ilang ulit ang biktima.

Gayon pa man, hindi nasaklolohan ng ilang nakasak­si sa pamamaril sa takot na madamay kung saan  mabilis na tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo.

Nakarekober sa crime scene ang pitong basyo ng bala habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIQUE STREET

BANKERS VILLAGE

BONG HILARIO

ELVIS MARIQUINA

GAYON

KAMATAYAN

SI HILARIO

TRANS SPORTS COMPETITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with