Airport manager utas sa ambush
MANILA, Philippines – Napaslang ang isang manager ng Clarkfield Airport Corporation habang sugatan naman ang misis nito makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bayan ng Sta. Ignacia, Tarlac kahapon ng umaga. Sa phone interview, kinilala ni Tarlac Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Alex Sintin, ang napatay na si Engineer Ruel Angeles, department manager ng Engineering Services and Maintenance Department ng Clarkfield Airport Corporation sa Pampanga. Isinugod naman sa pagamutan ang misis nitong si Crusencia na nasugatan sa insidente. Bandang alas-7:40 ng umaga habang kalalabas lamang sa coffee shop sa Barangay Paladapa ng mag-asawa nang lapitan at ratratin ng tandem gunmen. “It appeared that Engineer Angeles was the prime target,” ayon kay Sintin.
- Latest