^

Probinsiya

4 minasaker sa alitan sa lupa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng apat-katao makaraang igapos, pagsasaksakin at pagta­tagain ng mga di-kilalang kalalakihan sa naganap na masaker sa bayan ng Nabunturan, Compostela Valley kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramil Quilaton, 31;  Ruel Quilaton, 36; Romil Diongson, 13; at John Mark Diongson,19, pawang nakatira sa Purok 9, Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng Compostela Valley PNP na isinumite sa Camp Crame, ang bangkay ng mga biktima ay natagpuan sa may pampang ng ilog sa Purok 3, Barangay Basak sa nasabing bayan.

Ang apat ay pawang nakagapos ang mga kamay at pawang tadtad ng mga saksak saka taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung saan tinakpan pa ng face towel at t-shirt ang ulo ng mga biktima.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa alitan sa lupa ang pamamaslang sa mga biktima matapos bantaan ng kanilang mga kaaway.

Kaugnay nito, nagha­hanap na ng testigo ang mga awtoridad upang maresolba ang krimen.

Patuloy naman ang pagsigaw ng hustisya ng pamil­ya ng mga biktima.

vuukle comment

BARANGAY BASAK

BARANGAY POBLACION

CAMP CRAME

COMPOSTELA VALLEY

JOHN MARK DIONGSON

PUROK

RAMIL QUILATON

ROMIL DIONGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with