^

Probinsiya

4 utas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng New People’s Army, isang sibilyan at isang sundalo ang nasawi sa panibagong sagupaan sa pagitan ng tropang gobyerno at ng komunistang grupo sa bayan ng Lacub, Abra kamakalawa ng gabi at nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon kay Lt. Col Alvin Flores, Civil Military Operations Officer ng Army’s 5th Infantry­ Division, dakong alas-9:30 ng gabi nang tambangan ng mga rebelde  sa Brgy. Guinguinabang ang grupo ng mga sibilyan na ikinasawi ng isa sa mga ito na kinilalang si Noel Viste ng Brgy. Poblacion ng bayang ito.

Bandang ala-1 naman ng madaling-araw nang makasagupa ng tumutugis na elemento ng Army’s 41st Infantry Battalion ang grupo ng mga rebelde na ikinasawi ng isang sundalo habang 3 naman sa mga ito ang na­sugatan.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Pfc John Kevin Manuel habang ang mga na­sugatan naman ay sina Cpl. Gilbert Ba-awa, Pfc. James Ericson Danao at  Pfc. Randy Sayaan.

Sa isinagawang clearing operations ay natagpuan naman ang bangkay ng dalawang rebelde na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

vuukle comment

BRGY

CIVIL MILITARY OPERATIONS OFFICER

COL ALVIN FLORES

GILBERT BA

INFANTRY BATTALION

JAMES ERICSON DANAO

NEW PEOPLE

NOEL VISTE

PFC JOHN KEVIN MANUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with