^

Probinsiya

Lady trader nadale ng ‘Salisi Gang’

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines      -   Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 38-anyos na businesswoman makaraang manakaw ang kanyang bag na naglalaman ng daan libong piso ng mga hinihinalang miyembro ng “Salisi Gang” matapos na magpanggap na kustomer sa Estela’s Sotre sa Labo Public Market, Brgy Pinya, Labo, Camarines Norte kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rhoderick Campo, dakong alas 9:15 ng umaga, dalawang hindi nakikilalang kalalakihan ang pumasok sa nasabing tindahan at isa dito ay agad na kinausap ang saleslady.

Habang nag-uusap ang dalawa,  naging malikot ang mata ng isang suspek hanggang sa magawang makuha ang bag na naglalaman ng P.1M na nakapatong sa ibabaw ng mesa at cellphone na nagkakahalaga ng P3K na pag-aari ni Rita Espela, 38, ng Happy Homes Green Ville, Brgy Bautista-Labo.

Mabilis na nakalabas ang mga suspek at huli na ng mapansin ng biktima na nawawala ang kanyang shoulder bag. Tinangkang habulin ang mga suspek subalit hindi na nakita.

vuukle comment

BRGY BAUTISTA-LABO

BRGY PINYA

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

HAPPY HOMES GREEN VILLE

LABO PUBLIC MARKET

RHODERICK CAMPO

RITA ESPELA

SALISI GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with