^

Probinsiya

9 arestado sa P2.3-M shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - -Rehas na bakal ang binagsakan ng siyam-katao matapos sala­kayin ang apat na bahay kung saan nasamsam ang P2.3 milyong halaga ng shabu at matataas na kalibre ng baril sa inilatag na operas­yon ng mga awtoridad sa Barangay Datu Esmael, Dasmariñas, City, Cavite kamakalawa.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joselito Teodoro Esquivel Jr., kinilala ang mga may-ari ng bahay na sinalakay na sina Japar Onda, Andam Guro, Sandato Salam at si LaLawin  Haji Salam. Arestado naman ang mga suspek na nasa bahay ni Lalawin na sina Makhamr Aktay, Alonganan Shiekalabi, Abdul Latie Alawiya, Aminola Untawar Makauraw, Mohammad Baranie Guro, Asima Jamil, Sittie Ainah Diangka at 2 iba pa.

Ang pagsalakay ay base sa apat na search warrant na inisyu nina  Judge Agripino G. Morga ng San Pablo City Regional Trial Court Branch 32 sa Laguna at Judge Cynthia  Marino Ricablanco ng Sta. Cruz  Regional Trial Court Branch 27, Laguna.

Nasamsam sa mga sus­pek ang isang sub-machine gun, cal 9mm pistol, mga bala ng baril, granada, 1-kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 200 gramo ng shabu, at assorted paraphernalias na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.

vuukle comment

ABDUL LATIE ALAWIYA

ALONGANAN SHIEKALABI

AMINOLA UNTAWAR MAKAURAW

ANDAM GURO

ASIMA JAMIL

BARANGAY DATU ESMAEL

HAJI SALAM

JAPAR ONDA

JOSELITO TEODORO ESQUIVEL JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with