^

Probinsiya

8 anyos nabaril ng ama, dedo; bunso sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang diskusyon ng isang magkakapamilya sa hatian sa bayaran sa kuryente matapos na magpaputok ng baril ang isang nagwalang mister na ikinasawi ng 8 anyos nitong anak na lalaki habang sugatan naman ang bunsong anak na babae sa Toledo City, Cebu kamakalawa.

Idineklarang dead-on- arrival sa Balamban District Hospital ang biktimang si Michael Miñoza sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang nakababata nitong kapatid na si Angel na tinamaan ng bala sa kaliwang braso.

Arestado naman ng mga awtoridad at ngayo’y nahaharap sa kasong parricide at frustrated parricide ang suspek na kinilalang si Bobby Miñoza, 30 anyos, obrero na nabubuhay din sa pamumulot ng basura.

Sa ulat ng Toledo City Police, naganap ang insidente habang nag-aalmusal ang pamilya ni Bobby sa Brgy. Sto Niño ng lungsod na ito dakong alas-9:45 ng umaga.

Ayon kay SPO3 Henry Acosta, imbestigador ng Toledo City Police Station, nag-ugat ang insidente dahilan sa pagtatalo ng suspek, ng kapatid nitong si Lionesa Miñoza at ng inang si Valentina sa hatian sa bayarin sa kuryente.

Sinisingil umano ng suspek at ina at kapatid ng tig P400.00 para mabayaran na ang kanilang bill sa kuryente gayunman ay walang maibigay ang mag-ina bunsod upang magalit at magwala ang nasabing mister na walang habas na nagpaputok ng sumpak na minalas namang sa dalawa nitong anak tumama.

vuukle comment

BALAMBAN DISTRICT HOSPITAL

BOBBY MI

HENRY ACOSTA

LIONESA MI

MICHAEL MI

STO NI

TOLEDO CITY

TOLEDO CITY POLICE

TOLEDO CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with