^

Probinsiya

2 barko nagsalpukan: 9 nawawala, 12 nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 12-katao ang nasagip habang siyam naman ang nawawala makaraang magbanggaan ang dalawang barko sa pagitan ng karagatan ng bayan ng Ternate at Caballo Island sa Cavite City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Camp Crame, sinabi ni PO3 Judito Ba­ligod ng Ternate PNP, dakong alas-11 ng gabi nang magsalpukan ng dalawang barko.

Ayon kay Baligod, ang mga nagbanggaan ay kinabibilangan ng isang shipping vessel na Dan Israel na pag-aari ni Danny Ang ng Malabon City at isang hindi pa mabatid na uri ng sasakyang pandagat.

Nang matanggap ang impormasyon ay agad namang nagsagawa ng search and rescue operations ang mga tauhan ng PNP Maritime at Philippine Coast Guard.

Gayon pa man, 12 tripulante ang nasagip na kasalukuyang nasa Corregidor Island.

Hindi naman natukoy sa ulat ang pagkakakilanlan  ng mga nasagip at nawawalang mga tripulante ng barko.

Samantala, patuloy naman ang search and rescue operations sa siyam pang nawawalang tripulante. 

 

vuukle comment

CABALLO ISLAND

CAMP CRAME

CAVITE CITY

CORREGIDOR ISLAND

DAN ISRAEL

DANNY ANG

JUDITO BA

MALABON CITY

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with