^

Probinsiya

Trader itinumba sa terminal

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 35-anyos na negosyante sa terminal ng pampasaherong jeepney sa Barangay Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Reynaldo Nicolas ng Barangay Gumtol, Palawan. Ayon kay PO2 Enrique Bolina, lumilitaw na naghihintay ng jeepney ang biktima nang lapitan at kausapin ng isang alyas Jamil na sinasabing notoryus sa nasabing lugar. Gayon pa man, umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima habang lumayo naman ang suspek na animo’y walang naganap na pamamaril.

vuukle comment

APAT

AYON

BARANGAY GRACEVILLE

BARANGAY GUMTOL

BULACAN

ENRIQUE BOLINA

GAYON

JAMIL

REYNALDO NICOLAS

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with