^

Probinsiya

2 sugatan sa holdap

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines — Dalawa  katao ang nasugatan ma­tapos na pagbabarilin ng  dalawang kalalakihang motor­cycle riding gunmen na humoldap sa mga ito sa Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyan ng nagpapagaling sa Bulacan Medical Hospital ang mga biktimang sina Jose Magat 53, driver at Policarpio Bautista, 52 anyos bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa kanilang katawan.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Jonathan Mañacap dakong alas-2:30 ng hapon ay galing ang mga biktima sa sangay ng Banco De Oro sa Brgy. Poblacion, Sta.Maria upang mag-withdraw ng halagang mahigit na P.6M  piso bilang kabayaran sa pagbebenta ng lupa na pag-aari ng isa sa kamag-anak ng biktimang si Bautista.

Habang tinatahak ng mga biktima na lulan ng isang Nissan Urban (TQY-852) sa bahagi ng Brgy. Parada ay hinarang ang mga ito ng mga suspek na lulan ng Honda TMX na agad nagdeklara ng holdap sabay tutok sa mga biktima.

Akmang papalag ang mga biktima kaya binaril ng mga suspek gamit ang cal. 45 pistol saka mabilis na tumakas tangay ang perang nakulimbat sa mga biktima. Nagsasagawa ng ng followup operations ang pulisya sa kasong ito.

 

vuukle comment

AKMANG

BANCO DE ORO

BRGY

BULACAN MEDICAL HOSPITAL

JONATHAN MA

JOSE MAGAT

NISSAN URBAN

POLICARPIO BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with