^

Probinsiya

Pugante patay sa shootout, 3 pa timbog!

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Natapos ang mahabang pagtatago ng isang lalaki habang tatlo pang kasamahan nito ang napilitang sumuko matapos na makipagpalitan ng putok sa mga umaarestong pulis sa Brgy. Minuyan,San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Nasawi sa pinangyarihan ng shootout ang puganteng si Russel Arceo, 31, ng Brgy. Sto.Domingo 2, Capas, Tarlac habang nasa kostodiya na ng pulisya ang tatlo pang suspek na sina Ar Jhay De Belen, 18, ng Brgy. Bantog, Muñoz City, Nueva Ecija; Tristan Huit, 32, ng Brgy. Minuyan 2 at Jose Paulo Maesa, 23, ng Brgy. Minuyan 4, pawang sa San Jose Del Monte City.

Base sa ulat ni P/Supt. Joel Estaris, dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay nagsagawa sila ng operasyon kasama ang mga kagawad ng Bureau of Jail Management sa isang bahay sa Road 1, Brgy. Minuyan 2 matapos na makumpirma ang presensya ng mga suspek na may nakabimbing kaso.

Habang papalapit ang mga pulis sa itinurong bahay, natunugan ito ng mga suspek na naging dahilan upang barilin ang mga awtoridad kaya napilitan silang gumanti na naging dahilan ng kamatayan ni Arceo habang napilitang sumuko ang tatlo .

Narekober sa safehouse ang dalawang .38 revolber na baril, apat na cell pone, apat na sachet ng shabu at marijuana, mga drug paraphenalias, camcorder, laptop at motorsiklong Honda TMX (9039-TX).

vuukle comment

AR JHAY DE BELEN

BRGY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

JOEL ESTARIS

JOSE PAULO MAESA

MINUYAN

NUEVA ECIJA

RUSSEL ARCEO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with