^

Probinsiya

Amok: Misis todas, 3 pa sugatan!

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   - Isang 54-anyos na misis ang nasawi at tatlo pa ang malubhang nasugatan matapos na mag-amok ang isang 72-anyos na mister na lango sa alak sa Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang misis na hindi na umabot pang buhay sa Ragay District Hospital na si Roseta De Torres-Opena,   may-asawa, ng Sitio Burol, Brgy. Junction, ng nasabing bayan.

Ginagamot naman sa nasabi ring ospital ang mga su­gatan na sina  Ligaya Madriaga, 65, Leonides Coz, 57, may asawa, at Tomas Madriaga 45, anak ng suspek na mister at pawang mga residente ng naturang lugar.

Agad na nasakote ng mga nagrespondeng mga awtoridad ang suspek na Rogelio Madriaga, asawa ni Ligaya at ama ni Tomas na pawang sugatan sa insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang pagwawala ng matandang suspek at walang habas na nanaksak sa kanyang miyembro ng pamilya at mga kapitbahay.

Bago ang pananaksak, masaya umanong  nagkasalalu-salo at nag-inuman ang suspek kasama ang kanyang misis, anak at mga kapitbahay sa bahay mismo ng ginang na nasawi.

Bigla na lamang uma­nong nagpaalam ang lasing ng suspek sa inuman at makalipas lamang ng ilang minuto ay bumalik at armado ng kutsilyo.

Nagulantang ang lahat nang bigla sugurin ng suspek ng saksak ang biktima, at saka isinunod na pagsasaksakin ang kanyang misis, at iba pang kapibahay.

Sinubukang umawat ni Tomas sa pananaksak ng ama subalit siya naman ang pinagbalingang undayan ng saksak.

 

vuukle comment

CAMARINES SUR

LEGAZPI CITY

LEONIDES COZ

LIGAYA MADRIAGA

RAGAY DISTRICT HOSPITAL

ROGELIO MADRIAGA

ROSETA DE TORRES-OPENA

SITIO BUROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with