^

Probinsiya

Kolektor hinoldap ng armado

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE, Philippines â€“Isa na namang collector ang biktima ng panghoholdap ng isang armadong lalaki habang kumukuha ng koleksyon ng mga bayarin sa kanyang produktong idiniliber sa Purok 1 Brgy. Camambugan, Daet, lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Supt Paul Abay ang biktima na si  Jayson Nolo, 27-anyos binata, ng Brgy. Matnog bayan ng Basud at empleyado ng  PEDSCOR na pag aari ni Joseph Po na matatagpuan sa Yao Building sa Brgy Camambugan.

Sa imbestigasyon,  bandang alas-10:40 ng umaga nang maganap ang panghoholdap ng hindi nakikilalang suspek na may taas na 5’11”, nakasuot ng itim na sumbrero at fatigue na jacket na kulay green. Matapos na matangay ng suspek ang halagang P10,000  mabilis na tumakas sakay ng kanyang motorsiklong Honda TMX na walang plaka.

Dismayado naman ang mga negosyante at ilang residente sa performance ng Chief of Police sa katauhan ni P/Supt Paul Abay dahil sa patuloy na tumataas na kaso ng holdapan at pagnanakaw  kabilang na ang bicol correspondent ng Pilipino Star Ngayon na nananatiling unsolved ang kaso. 

 

vuukle comment

BASUD

BRGY

BRGY CAMAMBUGAN

CHIEF OF POLICE

JAYSON NOLO

JOSEPH PO

PILIPINO STAR NGAYON

SUPT PAUL ABAY

YAO BUILDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with