^

Probinsiya

Shootout: 2 holdaper todas

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines    -  Napatay ang dalawang armadong lalaki na sinasabing notoryus na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa bahagi ng Sitio Submakin, Barangay Batobalani, bayan ng Paracale sa Camarines Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rommel Labarro, ang isa sa napatay na si Rodel Elnar ng Purok 4 sa Barangay Batobalani. 

Narekober sa dalawa ang isang shotgun, cal. 38 revolver at isang granada.  Nabatid na  tinangkang sitahin ng pulisya ang dalawang nakamotorsiklo pagsapit sa itinayong checkpoint subalit tinangkang tumakas at nagpaputok ng baril.

Gayon pa man, nagkahabulan hanggang sa mapatay ang dalawa sa shootout.

Sa tala ng pulisya,  ang dalawa ay kasamahan ng dalawang unang napatay sa shootout noong Enero 15 sa Barangay Tugos matapos tangkaing holdapin ang planta ng ginto na pag aari ni Pastor Oco.

vuukle comment

BARANGAY BATOBALANI

BARANGAY TUGOS

CAMARINES NORTE

CHIEF INSP

ENERO

PASTOR OCO

RODEL ELNAR

ROMMEL LABARRO

SITIO SUBMAKIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with