^

Probinsiya

2 pulis tinambangan

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 37-anyos na pulis habang sugatan naman ang kabaro nito matapos pagbabarilin ng apat na kala­lakihang lulan ng dalawang motorsiklo sa naganap na pananambang sa bahagi ng Barangay San Agustin, bayan ng Hagonoy, Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ang napaslang na si PO1 Alex Francisco ng Aurora PNP, dating nakatalaga sa Drug Enforcement Unit  at nakatira sa Barangay Sto. Niño habang naisugod naman sa Bulacan Medical Center si PO1 Jaydee Ventura ng Hagonoy PNP at residente ng Barangay San Agustin.

Base sa police report, magkasabay na nag-aalmusal ang ang dalawang biktima sa isang karinderya sa talipapa nang lapitan at ratratin ng gunmen bandang alas-7: 30 ng umaga.

Gayon pa man, kahit sugatan ay nagawang makalayo ni Ventura at nakahingi ng tulong sa himpilan ng pulisya na may ilang metro lamang ang layo sa crime scene. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng Cal. 45 pistol.

 

vuukle comment

ALEX FRANCISCO

BARANGAY SAN AGUSTIN

BARANGAY STO

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

DRUG ENFORCEMENT UNIT

HAGONOY

JAYDEE VENTURA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with