^

Probinsiya

Lover ni misis inutas ng mister

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Humantong sa malagim na krimen ang tinitimping poot ng 33-anyos na mister matapos nitong paslangin sa saksak ang itinuturong kalaguyo ng kaniyang asawa habang kritikal naman ang ginang at sugatan ang biyenan nito sa Sta. Rosa City, Laguna nooong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Edwin Wagan, hepe ng Sta Rosa City PNP ang biktima na si Jerson Tajuna na binawian ng buhay habang ginagamot sa Polyclinic Hospital.

Patuloy namang ginagamot ang mga biktimang sina Mary Anne Segler, 25 misis ng suspek na si Efren Segler, 33; at ang biyenan ng nasabing mister na si Nadene Pacheco, 47.

Si Mary Anne ay nasa kritikal na kondisyon sa tinamong mga saksak sa bibig at iba pang bahagi ng katawan habang ang ina nitong si Nadene ay nagtamo naman ng tama ng patalim sa braso kung saan ginagamot sa J.P. Rizal Community Hospital sa Calamba City, Laguna.

Sinabi ni Wagan, kasalukuyan namang pinagha­hanap ng pulisya ang suspek na si Efren na nahaharap sa kasong murder, frustrated parricide at frustrated homicide.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang sakay si Tajuna  ng kaniyang motorsiklo sa bisinidad ng Southville Pooc, Sta. Rosa City, Laguna nang lapitan at bigla na lamang pagsasaksakin ng suspek.

Matapos pagsasaksakin ang biktima ay tinungo naman ng suspek ang kaniyang misis na nasa bahay ng kaniyang biyenan sa Mabuhay Homes, Barangay Mamatid, Cabuyao, Laguna at pinagsasaksak din ito.

Nasugatan naman ang kaniyang biyenan matapos na tangkain nitong pigilan ang kaniyang manugang sa pananaksak sa kaniyang anak.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumilitaw na love triangle  ang motibo sa krimen kaugnay ng napapabalitang pakikipagrelasyon ng nasabing misis kay Tajuna.

vuukle comment

BARANGAY MAMATID

CALAMBA CITY

EDWIN WAGAN

EFREN SEGLER

JERSON TAJUNA

KANIYANG

MABUHAY HOMES

MARY ANNE SEGLER

MATAPOS

ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with