^

Probinsiya

Ama, 2 anak minasaker

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines  - Hindi na naipagdiriwang ng mag-ama ang pagsapit ng Bagong Taon matapos na pagbabarilin hanggang  sa mapatay ng mga armadong lalaki sa Barangay Sta. Monica, bayan ng Hagonoy, Bulacan noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang mga napaslang na sina Andres Vengco, 46, traysikel driver; Michael Vengco, 24, bisor sa kompanya ng biskwit; at si Mary Rose Vengco, 15, estudyante habang nakaligtas naman ang isa pang anak na si John Lloyd Vengco, 4, pawang nakatira sa  Purok 9 sa nabanggit na barangay.

Sa police report, lumilitaw na natutulog ang mga biktima sa kanilang bahay sa Purok 9 sa nasabing barangay nang pasukin at ratratin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-11:50 ng gabi.

Inakala naman ng ilang kapitbahay na paputok lamang ang narinig na sunud-sunod na putok ng baril dahil katatapos lamang ng Pasko.

Matapos ang 30-minuto, dumating ang nanay ng pamilya Vengco na si Estrelita kung saan bumungad sa kanya ang duguang mga katawan ng kanyang asawa’t mga anak.

Narekober  sa crime scene ang walong basyo ng bala na cal. 45 pistol.

Kasalukuyang sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa bentahan ng iligal na droga ang isa sa motibo sa pamamaslang base na rin sa pahayag ng ilang kapitbahay.

vuukle comment

ANDRES VENGCO

BAGONG TAON

BARANGAY STA

BULACAN

ESTRELITA

JOHN LLOYD VENGCO

MARY ROSE VENGCO

MICHAEL VENGCO

PUROK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with