^

Probinsiya

Taxi driver , grabe sa holdap

Boy Cruz - The Philippine Star

BULACAN, Philippines – Agaw buhay ngayon ang isang taxi driver matapos na pagsasaksakin ng tatlong mga armadong holdaper na nangholdap sa biktima at tumangay sa ipinapasada nitong sasakyan sa Brgy. Balasing, Sta Maria, Bulacan kamakalawa.

Ang biktimang si Elgario Jose Marianito, 40 anyos ng Port  State, Parañaque City ay patuloy na isinasalba sa pagamutan sa tinamong 18 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ni Supt. Lailene Amparo, dakong alas-8 ng gabi ng sumakay sa Toyota Vios (UYC 869) na ipinapasada ng biktima ang dalawang suspek sa Novaliches, Quezon City at nagpahatid sa Sta. Maria, Bulacan pero pagsapit sa Brgy. Poblacion ng bayang ito ay isa pa ang sumakay at nagpahatid naman sa Brgy. Balasing ng bayang ito.

Sinabi ng opisyal, pagsapit sa nasabing lugar ay agad nagdeklara ng holdap ang mga suspek at ng akmang papalag ang biktima ay pinagsasaksak ito. Hindi pa nakuntento ang mga suspek matapos na limasin ang P7,000 na kinita ng biktima ay tinangay pa ang ipinapasadang sasakyan nito.

Nasakote naman sa follow-up operation ang suspek na si Pablito Cabilin, ng Hagonoy, Bulacan habang patuloy ang pagtugis sa iba pang mga suspek na sina Noel Sebastian Jr. at isa pang kasamahan ng mga ito.

 

vuukle comment

AGAW

BRGY

BULACAN

ELGARIO JOSE MARIANITO

LAILENE AMPARO

NOEL SEBASTIAN JR.

PABLITO CABILIN

QUEZON CITY

STA MARIA

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with