^

Probinsiya

Binata, utas sa droga

Cristina Timbang - The Philippine Star

CAVITE, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang salarin ang isang 29 anyos na binata habang sakay ng motorsiklo sa brgy. Sampaloc IV Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni  Supt Carlos Barde, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang biktimang si Vicente Co­nstante Jr., 29 anyos, binata residente ng Narra St., Brgy Kayquit, Indang, Cavite.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Elmo Caboboy, may hawak ng kaso, alas-11: 45 ng gabi ng maganap ang insidente habang sakay ang biktima ng kulay asul na motorsiklong Yamaha na bumabagtas sa lugar.

Ayon sa brgy. tanod  na naka-duty bigla na lamang siyang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril kung saan bumulagta ang biktima pero nabigong maabutan ang suspek na mabilis na nakatakas.

Narekober ng pulisya ang, tatlong cartridge ng cal. 45 pistol, mga basyo ng bala ng nasabing armas, ang motorsiklong gamit ng biktima at isang plastic sachet  na may lamang shabu kaya’t hinihinalang may kinalaman sa droga ang krimen.

vuukle comment

AYON

BRGY KAYQUIT

CAVITE

DASMARI

ELMO CABOBOY

NARRA ST.

SUPT CARLOS BARDE

VICENTE CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with