^

Probinsiya

2 utas sa karambola ng sasakyan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  â€“ Dalawa-katao ang iniulat na namatay habang tatlong iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Camalig, Albay kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital  ang mga biktimang sina Mario Herrera, 53; at Jose Nero, 38, habang sugatan naman sina Orlando Nator, driber ng jeepney; at Elisa Bacate, pasahero ng bus at nakatira sa Tacloban City.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Frandy Echaluce, hepe ng Camalig PNP, nagkarambola ang mga sasakyang PP Bus Liner (TYX 432) ni Ricky Milliones ng San Isidro, Leyte; jeepney (EBH 922) ni Nator; at ang trak (RND 632) ni Rico Givera.

Lumiltaw na sinalpok ng bus na patungong Maynila ang pampasaherong jeepney na patawid mula sa Barangay 7. Sinalpok naman ng jeepney ni Nator ang trak ni Givera kung saan namatay ang dalawang pasahero. Gayon pa man tumakas ang driver ng bus na si Milliones.

 

vuukle comment

ALBAY

BUS LINER

CHIEF INSP

ELISA BACATE

FRANDY ECHALUCE

JOSE NERO

MAHARLIKA HIGHWAY

MARIO HERRERA

NATOR

ORLANDO NATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with