^

Probinsiya

Karambola ng 4 sasakyan: 5 patay, 3 grabe

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

NUEVA VIZCAYA , Philippines   â€“ Lima-katao ang kumpirmadong namatay habang tatlong iba pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos magkarambola ang apat na sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Baretbat, bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­matay na sina James Ablang, 13; Jerome Jay Padua, 23; Baby Claire Baroña, 3-month old; Tessie Baroña, at si Rosalinda Balut, 9, pawang nakatira sa Barangay Villaros sa nasabing bayan.

Kritikal naman ngayon sa pagamutan sina Maricel Baroña, 25; Princess Calob, 18; at si April Joy Padua, 18.

Ayon kay P/Chief Insp. Maciste Extor Serrano, hepe ng Bagabag PNP, naganap ang sakuna dakong alas-7:30 ng gabi kamaka­lawa sa Sitio Kinacao.

Napag-alamang magkakasunod na tinatahak ng tatlong trak ang pababang bahagi ng highway nang mawalan  ng preno ang Isuzu trak (RJB 279)  ni Jhun Jhun Cacayan.

Inararo umano nito ang kasalubong na traysikel na sinasakyan ng mga biktima kaya  tumilapon ang mga ito sa kalsada.

Nadamay din ang Isuzu truck (UCX966) ni Jayson Calixtro at isa pang Isuzu truck (RKD 313) ni Rocky Baggay.

Agad namatay sina Ablang, Padua matapos nagulungan  ng trak at ang sanggol na si Baby Claire habang sina Baroña at Balut naman ay namatay sa Ve­terans Regional Hospital sa bayan ng Bayombong.

vuukle comment

APRIL JOY PADUA

BABY CLAIRE

BABY CLAIRE BARO

BAGABAG

BARANGAY BARETBAT

BARANGAY VILLAROS

CHIEF INSP

ISUZU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with