^

Probinsiya

Lolo natangay ng ilog, patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - – Isang 73-anyos na lolo ang nasawi matapos na tangayin ng, malakas na agos ng tubig ilog nang mahulog ito sa kanyang sinasakyang kabayo na hinampas ng malakas na hangin dala ng bagyong Yolanda kahapon ng umaga sa Sitio Tiis, Barangay Gulang-gulang.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Remedio Dila, residente ng Barangay Ma­pagong, Pagbilao, Quezon.

Batay sa imbestigas­yon, dakong alas-8:30 ng umaga ay sakay ng kanyang kabayo ang biktima at binabaybay ang bangin na malapit sa ilog ng Dumacaa nang bigla umanong hinampas ng malakas na hangin kaya’t nahulog ito kasama ang kabayo sa ilog at tuluy-tuloy na tinangay ng agos ng ilog.

Wala nang buhay ng marekober ng pulisya at mga Army Reservist rescuer ang katawan ng biktima.

vuukle comment

ARMY RESERVIST

BARANGAY GULANG

BARANGAY MA

BATAY

DUMACAA

ISANG

KINILALA

REMEDIO DILA

SITIO TIIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with