^

Probinsiya

13-anyos nasermunan, nagbigti

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang dinamdam ng 13-anyos na totoy ang matinding sermon ng kanyang ina kaya nagdesisyong magbigti sa bodega na pag-aari ng kanyang lola sa Brgy. Balocawe, bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng gabi. Bandang alas-6 ng gabi nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Dan Kenneth Bislumbre, Grade 6 pupil sa Balocaew Elementary School. Napag-alaman na bago ang pagpapatiwakal ng biktima ay sinasabing nasermunan muna ito ng kanyang ina na si Liezel dahil sa nasira nito ang portable speaker ng kanyang pinsan. Gayon pa man, walang imik na umalis sa kanilang bahay ang biktima at hindi na ito makita hanggang sa matagpuan ng kanyang pinsan ang nakabiting katawan ng bata.

 

vuukle comment

BALOCAEW ELEMENTARY SCHOOL

BALOCAWE

BANDANG

BRGY

DAN KENNETH BISLUMBRE

DIMASALANG

GAYON

LIEZEL

MASBATE

NAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with