^

Probinsiya

Bus vs van: 7 patay sa Palawan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito-katao ang iniulat na namatay habang hindi pa mabilang ang nasugatan makaraang magbanggaan ang Roro bus at kasalubong na van sa Puerto Princesa City, Palawan kahapon ng hapon.

Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Abad Hesito Osit, director ng Puerto Princesa City PNP, naganap ang trahedya sa kahabaan ng KM 26 sa Brgy. Santa Lucia sa nabanggit na lungsod bandang alas-3:05 ng hapon.

Gayon pa man, ayon pa sa opisyal ay kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga namatay na biktima.

Sinabi ng opisyal na ang mga biktima ay pawang sakay ng Toyota Innova van kabilang ang anak ng dalawang abogado ng pamahalaang Palawan.

Mabilis namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatang pasahero na kasalukuyan pang inaalam ang eksaktong bilang.

“Nandun pa ‘yung mga investigators natin sa area, initially 7 ang confirmed dead,” ani Osit

Nabatid na kasaluku­yang bumabagtas ang Roro bus mula sa Puerto Prin­cesa City at patungo sa ka­timugang direksyon nang makasalubong ang Toyota Innova ng mga biktima.

Sa lakas ng banggaan ay agad na namatay ang pito sa mga biktima matapos na magtamo ng malulubhang sugat at maipit sa loob ng nayuping van habang patuloy ang im­bestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

ABAD HESITO OSIT

BRGY

PALAWAN

PUERTO PRIN

PUERTO PRINCESA CITY

RORO

SANTA LUCIA

SENIOR SUPT

TOYOTA INNOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with