^

Probinsiya

Biyuda kumalas sa nobyo, kinatay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO , Philippines   - Napaaga ang  kamatayan ng isang biyuda na sinasabing nakipagkalas matapos itong pagtatagain ng kanyang nobyo sa Barangay Badyangon, bayan ng Arakan, North Cotabato, kahapon ng madaling-araw

Kinilala ang biktima na si Gemma Panes Villa habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Cornelio Ocate Jr. na sinasabing sangkot din sa panghaharas sa detachment ng pulisya sa Kidapawan City noong 2010.

Napag-alamang hindi matanggap ni Ocate ang pakikipagkalas sa kanya ng biktima kaya pumunta ito sa bahay ng biyuda para komprontahin.

Humantong sa matinding sagutan ang dalawa kung saan hindi mapilit ni Ocate na makipagbalikan sa kanya ang nobya kaya sunud-sunod na pinagtataga ang biktima.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

ARAKAN

BARANGAY BADYANGON

CORNELIO OCATE JR.

GEMMA PANES VILLA

HUMANTONG

KIDAPAWAN CITY

KINILALA

NAISUGOD

NORTH COTABATO

OCATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with