^

Probinsiya

Bangka lumubog: Sanggol, 2 bata nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang tatlong iba pa ang nawawala makaraang lumubog  ang sinasakyang pampasaherong bangka sa karagatan ng Barangay Buaya sa bayan ng Carles, Iloilo kamakalawa ng hapon. 

Kinilala ang mga nasawi na sina Christopher Canete, 1 buwang gulang; Justine Rico, 4; at si Redan Rico, 2. Patuloy na pinaghahanap ang mga biktimang nawawala na sina Paolo Canete, 10; Rachelle Rico, 6 ; at si Auria Villarial, 60, habang naisalba naman ang walong pasehero. 

Sa ulat ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na isi­numite sa Camp Crame, nag­lalayag ang bangka na may lulang 15-katao nang balyahin ng malalakas na alon dulot ng masamang lagay ng panahon.

Kaagad na pinasok ng tubig at lumubog ang bangka sa bahagi ng nasabing karagatan malapit sa dalampasigan ng Barangay Tambaliza sa bayan ng Concepcion.

Nagpapatuloy naman  ang search and rescue ope­rations sa mga nawawala pang biktima.

 

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AURIA VILLARIAL

BARANGAY BUAYA

BARANGAY TAMBALIZA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CHRISTOPHER CANETE

JUSTINE RICO

PAOLO CANETE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with