^

Probinsiya

Buntis na misis ni-rape ng ka-textmate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matindi ang pagkagahaman sa laman ng isang opisyal ng barangay matapos nitong halayin ang nagbibirong ka-textmate na buntis na misis sa bayan ng Ibajay, Aklan noong Martes ng hapon.

Itinago sa pangalang Cheryl ang biktimang 6-buwang buntis ng Barangay Laguinbanwa habang nasakote naman ang suspek na si Kagawad Anthony Tejada ng Barangay Polo sa nasa­bing bayan.

Sa police report na nakarating kay P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na naisu­mite sa Camp Crame, bandang alas-2:30 ng hapon ng maganap ang krimen sa bahay ng biktima matapos magtungo ang suspek na kanyang ka-text mate.

Ayon sa imbestigador, nagkataong nag-iisa ang biktima kung saan sa kabila ng buntis ay iginapos ang mga kamay, binusalan ang bibig saka hinalay ng suspek.

Naaktuhan naman ng mister ang suspek habang hinahalay ang nakagapos na misis pero nagawang makatakbo.

Humingi naman ng tulong sa pulisya ang mister ng biktima kaya nasakote ang manyakis na suspek sa isinagawang follow-up operations.

Isinailalim sa eksaminasyong medikal ang biktima upang mapatunayan nagalaw nga ito ng suspek.

Samantala, lumilitaw naman sa imbestigasyon ng pulisya na nakatuwaan lamang ng biktima na makipag-text sa suspek na hindi nito sukat akalaing hahantong sa kaniyang kapahamakan.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AKLAN

AYON

BARANGAY LAGUINBANWA

BARANGAY POLO

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

KAGAWAD ANTHONY TEJADA

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with