^

Probinsiya

Mag-ama minasaker sa palaisdaan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

UNISAN, Quezon , Philippines   - Hindi na binigyang pagkakataon na gumising ang mag-ama makaraang pagtatagain hanggang sa mamatay ng kapitbahay na lalaki dahil sa matin­ding ­inggit bilang katiwala sa palaisdaan sa Barangay Ibabang Bulo, bayan ng Unisan, Quezon, kamakalawa.

Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng mag-amang Juanito Tampor, 51, katiwala ng palaisdaan at Rexon, 10.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng umaga nang natuklasan ng mga residente ang duguang bangkay ng mag-ama sa kubo sa binabantayang palaisdaan na pag-aari  ni Editha Valerio.

May teorya ang pulisya na nasa kahimbingan ng pagtulog ang mag-ama nang pasukin at pagtatagain ng suspek na si Emerson Mariquet.

Natuklasan din ng mga imbestigador na may tama ng bala sa likuran si Juanito.

Tugis na ngayon ng pulisya ang suspek na sinasabing may malaking inggit sa mag-ama dahil sa pagiging katiwala sa palaisdaan.

 

vuukle comment

BARANGAY IBABANG BULO

EDITHA VALERIO

EMERSON MARIQUET

JUANITO

JUANITO TAMPOR

NAGMISTULANG

NATUKLASAN

QUEZON

REXON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with