^

Probinsiya

11 NPA rebs timbog sa PTC fees

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang tropa ng militar matapos masakote ang 11 pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nangongotong ng Permit to Campaign (PTC) fees sa mga kandidato sa May polls sa isinagawang magkakahiwalay na  security operation sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, ayon sa opisyal kahapon.

 Sa ulat ni Major Gen. Pio Gregorio Catapang Jr., Chief ng Army’s 7th Infantry Division, sa pagkakaaresto sa mga suspek ay nasilat ang plano ng mga itong magsagawa ng checkpoints at tambangan ang mga kandidatong hindi magbabayad ng PTC fees.

Kabilang sa mga nasakote ay sina Rodolfo Cruz, 65; Josefino Lupangco, 34; Albertito de Jesus, 24; Randy Puno, 33; Angel Cabrera, 48; Cyrhyl de la Cruz, 19; Billy Asuncion at William Asuncion.

Dakong alas-4:30 ng madaling araw nitong Biyernes ng isagawa ng tropa ng Army’s 56th Infantry Batta­lion (IB) ang operasyon sa isang liblib na lugar sa Sitio Mahangin, Brgy. Kabayunan, Doña Remedios Trinidad na nag­resulta sa pagkakaaresto sa 8 NPA rebels extortionist.

Samantalang tatlo pa ang nasakote sa followup operations nitong Biyernes ng gabi habang lulan ng van na naharang sa Sitio Sapang Linao, Brgy. Kabayunan ng nasabi ring bayan. 

Bago ang operasyon nakatanggap ng report ang security forces hinggil sa armadong presensya ng nasa 30 armadong rebelde sa lugar kaugnay ng pagpapakalat ng mga ito ng mga PTC fees sa mga kandidatong kanilang kinokotongan.

 Nasamsam  sa mga naarestong rebelde ang mga liham ng PTC fees na ipinapataw ng mga ito sa mga kandidato, tatlong cal.45 pistol, apat na hand grenade at isang shotgun habang narekober naman sa van na sinasakyan ng mga ito ang dalawang M14 rifles at tatlong M16 rifles.

vuukle comment

ANGEL CABRERA

BILLY ASUNCION

BIYERNES

BRGY

INFANTRY BATTA

INFANTRY DIVISION

JOSEFINO LUPANGCO

KABAYUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with