^

Probinsiya

2 rebelde utas sa encounter

Pilipino Star Ngayon

CAMARINES SUR , Philippines- Dalawang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaslang matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo nitong Biyernes ng hapon sa Brgy. Antipolo, Iriga City ng lalawigang ito.

 Gayunman, ayon kay Army’s 9th Infantry Division (ID) Spokesman Major Angelo Guzman, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan sa mga nasawing rebelde.

Bandang alas-2:40 ng hapon ng makasagupa ng isang Squad na binubuo ng 9 sundalo ng Army’s 42nd Infantry Battalion (IB) ang may sampung rebelde sa nasabing lugar.

Agad nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig na tumagal ng sampung minuto hanggang sa bumulagta ang dalawang rebelde na inabandona ng mga nagsitakas ng mga itong kasamahan.

 Nakuha rin mula sa bangkay ng dalawang rebelde ang isang M16 rifle at isang M3653 assault rifle. Ed Casulla/Francis Elevado

vuukle comment

BANDANG

BIYERNES

BRGY

ED CASULLA

FRANCIS ELEVADO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

IRIGA CITY

NEW PEOPLE

SPOKESMAN MAJOR ANGELO GUZMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with