^

Probinsiya

Buntis na ka-live-in ng mayor utas sa tandem

Joy Cantos at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang buntis na ka-live-in ni Pio Cruz, Masbate Mayor Hermi­nigildo Betonio III habang malubha naman ang utol na babae ng alkalde makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bisinidad ng Pier 3, Cebu City, Cebu kahapon ng umaga.

Kinilala ni Cebu City PNP director P/Senior Supt. Mariano Natuel, namatay habang ginagamot sa Chong Hua Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib ang biktimang si Crisanta Lauro,  39, negosyante at dalawang buwang buntis.

Samantala, nakikipaglaban naman kay kamatayan si Councilor Leny Aser Betonio, 45, kapatid ni Mayor Betonio ng bayan ng Pio Cruz, Masbate.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame naghihintay ng masasak­yang taxi sina Lauro at Aser sa panulukan ng V. Sotto at Osmeña Boulevard nang ratratin ng tandem bandang alas-5:30 ng umaga.

Nabatid na kalalabas pa lamang ng dalawa sa Pier 3 kung saan pauwi na si Lauro sa tinitirhan nito sa Cebu City  nang makasalubong si kamatayan.

Pinaniniwalaang puntirya ng gunmen ang utol na babae ni Mayor Betonio subalit nadamay lamang si Lauro kung saan pulitika ang isa sa motibo ng krimen.

vuukle comment

CAMP CRAME

CEBU CITY

CHONG HUA HOSPITAL

COUNCILOR LENY ASER BETONIO

CRISANTA LAURO

LAURO

MARIANO NATUEL

MASBATE MAYOR HERMI

MAYOR BETONIO

PIO CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with