^

Probinsiya

2 batang babae ni-rape slay ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng dalawang batang babae matapos na halayin ay pinatay pa ng lalaking kanilang kapitbahay na sinasabing adik sa bawal na droga sa liblib na bahagi sa  bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Juanito Vaño Jr., regional PNP director, kinilala ang mga biktima na sina Marrytis Buhayan, 8; at Meljoy Delantar, 3.

Ang dalawang biktima ay kapwa tadtad ng taga sa katawan bukod pa sa pagpukpok ng malaking tipak na bato sa mukha at ulo.

Pinaghahahanap naman ang suspek na si Sabate “Tata” Cobio matapos na matukoy ang naiwang duguang  t-shirt sa crime scene.

Nabatid na naglalaro ang dalawa ng mawala ng ilang oras at nang hanapin ng kanilang mga magulang sa tulong ng mga opisyal ng barangay ay natagpuan ang bangkay ng magkalaro na kapwa hubo’t hubad na itinapon sa madamong lugar na may ilang metro ang layo sa kanilang tahanan.

Samantala, positibo namang ikinanta ang suspek ng tiyahin nitong si Melanie Cimafranca na duguan umanong umuwi na nagpalit ng damit saka nagmamadaling umalis.

Narekober sa crime scene ang duguang t-shirt ng suspek, tipak na bato na may bahid ng dugo na tumitimbang ng isang kilo na ginamit na pagpukpok sa ulo at mukha ng dalawang bata na kapwa may indikasyong hinalay.

 

vuukle comment

CHIEF SUPT

COBIO

JUANITO VA

MARRYTIS BUHAYAN

MELANIE CIMAFRANCA

MELJOY DELANTAR

NABATID

NAREKOBER

PINAGHAHAHANAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with