^

Probinsiya

Barbero tinodas sa kuryente

- Tony Sandoval - The Philippine Star

CANDELARIA, QUEZON, Philippines – Dahilan sa hindi pagbabayad ng kuryente, patay ang isang barbero matapos na barilin ng kap­wa nito barbero sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 380 sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang si Michael Capangada, 27, binata.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na kinilalang si Ronald Concepcion.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30  ng uma­ga ay tinungo ng suspek ang bahay ng biktima at kinumpronta ito tungkol sa hindi pagbabayad ng kanilang bill sa kuryente ng kanilang pinagtatrabahuhang barber shop.

Nang tumalikod umano ang biktima ay sinamantala ng suspek ang pagbunot sa kanyang baywang ng baril at pinabulagta ang kapwa barbero. 

vuukle comment

AYON

BARBERO

BRGY

DAHILAN

MICHAEL CAPANGADA

NAGTAMO

NANG

PINAGHAHANAP

RONALD CONCEPCION

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with