^

Probinsiya

Killer ipinaaresto ng utol

- Ni Boy Cruz -

BALAGTAS, Bulacan, Philippines  – Hindi nagdalawang isip ang isang mister matapos na ipaaresto sa mga awtoridad ang sarili nitong kapatid na wanted sa kasong murder sa babaeng kanilang kapitbahay na 23 beses pinagsasaksak may dalawang taon na ang nakalilipas sa lalawigang ito.

Inaresto ng mga tauhan ni Chief Inspector Alfonso Cruz habang namamasada ng pampasaherong jeepney ang suspek na si Paul Jeffrey Luanzon, 28, wanted sa batas base sa inisyung warrant of arrest ni Judge Andres Soriano ng Malolos City at walang inilaang piyan­sa laban dito.

Bandang alas-5:30 ng hapon ng mamataan ng nakababatang kapatid ang suspek na muling nagbalik sa kanilang lugar na namamasada ng jeepney gamit ang pekeng driver’s license sa kahabaan ng Mc Arthur highway sa Brgy. Wawa, Balagtas.

Base naman sa rekord ng korte naganap ang krimen nuong gabi ng Hulyo 13, 2010 habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan at nagtsa-chat ang biktimang si Luzbelle Santos, 42, sa kaniyang asawang OFW na nasa Saudi Arabia sa pamamagitan ng laptop sa loob ng kaniyang kuwarto ay biglang pumasok ang suspek sa pintuan ng beranda.

Nagsisigaw umano ang biktima bunsod upang unda­yan ito ng 23 saksak ng suspek saka tumakas tangay ang mga kagamitang nakulimbat sa ginang.

BALAGTAS

BANDANG

BRGY

CHIEF INSPECTOR ALFONSO CRUZ

JUDGE ANDRES SORIANO

LUZBELLE SANTOS

MALOLOS CITY

MC ARTHUR

PAUL JEFFREY LUANZON

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with